Saturday, October 13, 2007

Top 5 Choice of Blogs in BSBA I-IMA

Ito po yung TOP-5 na bloggers na malulupet base on my own criteria of judging hehehe...!!

1. Arnie Trumata
2. Chezalou Batulan
3. Gerald Manipol
4. Joanna Almazan
5. Erikson Pasamba

No Comment...Magagaling sila yun lang!

Things that I've learned..!

Una sa lahat gusto ko muna magpasalamat sa teacher namin sa computer Ms. Pinon,salamat po sa lahat ng tinuro nyo saamin ngayong first sem.Marami po akong natutunan sa subject na computer kahit na medyo hindi ko na maintindihan ang ating ibang mga lessons hehehe...Ang aking mga natutunan ay ang mga lessons tungkol sa pag alaga ng sariling computer at marami pang iba tulad ng pag gawa ng aking sariling blog at kung paano ito nakakatulong sa atin.Nalaman ko rin ang ibat ibang uri ng blog katulad ng business blog,paid,proffesional,mobile,cultural,collaborative,personal,educational,forum,photo,video,political, at marami pang iba at kasama na din dito kung paano gamitin ang blog upang tayo ay kumita. Natutunan ko din ang tungkol sa binary number system at kung paano ang pag convert ng hexadecimal,at kung ano ano pa.Maraming salamat po sa lahat ng inyong itinuro sa amin at sana next sem ay meron pa kaming computer subject,

Wednesday, October 3, 2007

...Buhay Kolehiyo...

Nung una kong araw ng pagpasok sa kolehiyo ay maraming bagay na pumasok sa aking isip,masaya ako dahil kolehiyo na ako pero hindi ko alam kung sino ang bago kong makikilala,hindi ko rin alam kung sino-sino ang aking mga bagong kaklase.Pagkalipas ng ilang mga araw lang ay isa-isa ko nang nakilala ang aking mga kaklase,may tahimik,magulo,may maingay at halo-halong mga ugali na ang aking nakilala.Meron din namang mga guro na seryoso,patawa,istrikto at syempre may mabait din naman.Sa una medyo tahimik muna ako at ang kausap ko lang ay yung isa kong kaklase nung high school pero hindi rin naman nagtagal ay medyo naging maingay na din ako dahil na din sa mga bago kong nakakasalamuhang mga kaklase.
Para sa akin ay malaki ang pagkakaiba ng buhay kolehiyo ko kesa sa buhay high school, dahil mas malaki na yung mga magiging responsabilidad sa pag aaral at syempre tumataas na din ang ekspektasyon ng ibang tao sa tulad kong mga kolehiyo na dapat lang nating patunayan sa kanila.Mahirap din para saakin ang buhay kolehiyo dahil kailangan na nating maging seryoso at mas pagtuonan ng pansin ang ating pagaaral dahil ito na daan para matupad na natin ang ating pangarap na makapagtapos at para makahanap ng magandang trabaho para makatulong sa ating pamilya AT PARA SAKIN YAN ANG BUHAY KOLEHIYO...