Thursday, September 27, 2007

wikipilipinas....ayoss!!

ahmm....wikipilipinas,nung una kong makita ang website na ito ay natuklasan ko na ito ay makakatulong sa mga tulad kong estudyante.Katulad ng ibang mga website, ito ay nagsisilbing encyclopedia na nagbibigay ng mga impormasyon at kaalaman sa ibat-ibang mga bagay.Dahil dito mas madali tayong makakakuha ng ibat-ibang mga impormasyon at kaalaman na nais nating malaman.Malaki ang naitutulong nito sa ating mga estuyante dahil maari natin itong pagkuhanan ng mga kasagutan para sa ating mga aralin.Nagbibigay din ito ng mga impormasyon tungkol sa ating bansa.Bilang isang Pilipino, mahalaga sa akin ang mga impormasyong ibinibigay nito,dahil nagbibigay ito ng mga impormasyong tungkol sa magagandang lugar sa ating bansa.Tinutulungan nito ang ating bansa upang mang hikayat ng mga turista na galing sa ibat-ibang lugar sa mundo.
Marami pang ibang maitutulong ang website na ito saatin na dapat nating malaman dahil malaki ang maitutulong nito para sa ating edukasyon...

No comments: